
kasalukuyang kinalalagyan ko...
pinapangarap ng ibang tao,
subalit di magtatagal ay akin ring isusuko...
sige abutin mo,
ang dating pangarap ko...
dahil aabutin ko naman, ang minimithi kong bago.
Ang isang pangarap ay hindi isang bituin na nagtatapos lang sa pag-abot..
yun ay hindi pangarap, kundi panaginip.
ang pangarap ay hindi hinihintay,
sapagkat hindi ito kusang dumarating...
dahil kung walang sikap, yun ay isa lamang hiling.
ang daan sa pangarap ay malapit,
subalit lumalayo, kapag di alam kung saan talaga tutungo
hindi ka ligaw, hindi rin bulag, kundi bingi na matatawag...
bingi sa sinisigaw ng iyong pangarap.
Mangarap ka at iyong tuparin
pag nakamit, bagong pangarap naman iyong harapin...
No comments:
Post a Comment